Politics

Mga kongresista nais kasuhan si De Lima kaugnay droga

Mayroong mga kongresista na nais na isama sa ulat ng House comittee on justice na kasuhan si Sen. Leila de Lima kaugnay ng  bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison noong siya ang kalihim ng Department of Justice.

Kahapon ay nabigong aprubahan ng komite ang kanilang ulat kaya muli siyang nagpasagawa ng pagdinig kahapon (Martes).

Ayon sa isang solon papunta sa pagrekomenda na kasuhan si de Lima ang tinatahak na direksyon ng komite taliwas sa pahayag ni sepaker Pantaleon Alvarez na gumawa na lamang ng batas upang hindi na maulit ang iligal na gawain sa NBP.

Sinabi naman ni CIBAC Rep. Sherwin Tugna na dapat ding kasuhan ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections na sangkot sa operasyon.

“Testimonies have been delivered and certain personalities have been tagged during the four hearings on the drug trafficking in the Bilibid. What is important is what we do after the hearings,” ani Tugna. “I call on the Department of Justice to investigate further the issue of illegal drug trading inside NBP. We need to get to the bottom of this and make sure that all erring officials are held accountable. Administrative sanctions and criminal liabilities should be put into place after exercising due process.”

Dapat din umanong ayusin ang organizational structure ng BuCor matapos malaman na 20-30 prison guards lamang ang nagbabantay sa 16,000 high profile inmates ng maximum security compound.